WELCOME TO PLSG - PINOY LIFE IN SINGAPORE!

Wednesday, June 18, 2008

RESUME NA PATOK DITO SA SINGAPORE

Pano nga ba ang pag-bebenta ng ating profile sa mga employer?

Kung nag-babalak ka mag-apply dito sa SG, eto ang mga dapat maalala sa pag-gawa ng resume:

1. Sa pag-pili palang ng papel nagagamitin, "A4 size"ng kadalasang gamit ng mga nag-papasa ng mga resume nila sa mga gusto nilang pasukang trabaho

2. Dapat wag pabago-pabago ng font pati na ang siz e. Pumili lang ng atleast dalawang font na gusto mo. Regular size ng font 10 or 11, di kalakihan at di kaliitan.

3. Simulan sa name, address,email address, contact no., availability (pwedeng ilagay dito kung kailan ba kayo pwde mainterview ex: immediate)

4. Kung ilalagay mo ang work experiences mo, mas-maganda kung 2 yrs. and above ang itinagal mo sa isang company, na natutugma o related sa work na inaapplyan mo. Mas-gusto ng mga local dito na nagtatagal ka sa mga trabahong napasukan mo ng atleast taon.

5. Ilagay din ang natapos na kurso o ano pa mang-kakakatulong sa pag-benta ng iyong sarili sa pinapasukang company

6. Ilagay din ang mga skills na makakatulong din sa pag-aapply

7. Maglagay ng brief personal information tungkol sayo

8. Makaktulong din ang mga trainings, seminar at iba pang meron ka, upang mapili sa trabahong pinapasukan

9. Ang size ng colored picture mo, must be passport size at white background.

10. Wag gagamit ng mga colored papers sa resume, upang maging professional ang itsura ng inyong resume.


No comments:

About Me

My photo
Open blog for everyone who seeks informations...