WELCOME TO PLSG - PINOY LIFE IN SINGAPORE!

Tuesday, June 17, 2008

ADVANTAGES & DISADVANTAGES: PINOY APPLYING IN AGENCIES (PH OR SG)

ADVANTAGES:

1. Sila ang mag-hahanap ng inyong employer

2. Sila ang mag-process ng inyong papers


3. Sila ang mag-bebenta ng inyong mga resume sa iba't ibang employer na nag-hahanap ng employees


4. May gagabay sa inyo sa mga dapat nyong gawin, under sa kanilang mga policies


5. Some can lend you money para sa ticket, lodging and others.


6. May mapapag-tanungan kayo ng gusto nyong malaman sa inyong employer



DISADVANTAGES:

1. Ang Agency ang may karapatan sa inyong contract sa employer

2. Some recruitment agencies, pag-alam nilang gustong gusto mo ang work na ino-offer nila sa iyo, may mga idinadagdag silang mga condition, bukod sa dating napag-usapan

3. Ang iba malaki mag-kaltas sa salary ng nag-aapply sa kanila


4. Ang ibang agencies pag na ihanap ka na nila ng employer at nakuha na ang dapat nilang makuha sayo, ay bigla ka nalang pababayaan


5. Although sila ang nag-aayos at nag-hahanap ng mapapasukan mo, minsan di nila binibigay ang full benifits na dapat mo matanggap sa company

6. Kaya nilang ihold o i-cancel ang iyong pass (kung ikaw ay nasa SG na)

7. Malaki sila kumaltas sa salary, kung ikaw ay nag-apply ng work sa agency sa pinas, may-contact pa na agency yan dito sa singapore. Ang parehas na agency na mag-katie up para ihanap ka ng work ay parehas kanilang kakaltasan sa sweldo. So.. magiging x2 ang kaltas mo. (Sa agency na inapplyan mo at sa agency dito na ka-tie up nila).Kay kung nag-babalak ka mag-apply ng agency, wag na sa pinas, pasukin mo ang mga mga website na naka-post sa blog ng PLSG para directa ka sa agency dito sa singapore. Ingat lang sa pag-pili ng agency lagi at dapat alamin mo muna ang agency na inaapplyan mo.

No comments:

About Me

My photo
Open blog for everyone who seeks informations...