WELCOME TO PLSG - PINOY LIFE IN SINGAPORE!

Monday, June 16, 2008

Reminder sa mga natapos na ang work contract!

Sa mga kababayan natin na natapos na ang contract at hindi pa nakaka-hanap ng malilipatan na trabaho, wag po mag-alala kasi meron binibigay ang MOM na 14 days SVP (Social Visit Pass).

Ito ay upang maka-hanap ulit ng trabaho na malilipatan.

Much better kung bago matapos ang contract ninyo ay mag-hanap na po ng mapapasukan, sa ganun ay may sasalo ng inyong pass na hawak at di na kayo mangangamba na kulang ang time at days nyo sa pag-job hunt!

Kasi pag-natapos din po ang contract nyo, back to zero po ulit ang pag-aapply ninyo ng pass at ang mahirap baka mas-bababang pass o pangit na pass ang makuha ninyo.

ok! Hanggang sa muli po!

No comments:

About Me

My photo
Open blog for everyone who seeks informations...